Friday, May 16, 2014

TD#1: Hashtag Lessons

Iniimagine ko ngayon palang sarili ko 'pag naging ganap na Art Teacher na po ako. Kung hindi man High School, Grade School nalang. #teacherdreams na ang tag ko sa mga musings na 'to.

Ipapakita ko sa kanila mga artworks na babae ang subject. Mga fertility idols at woman statues ng mga iba't ibang ancient civilizations, mga representations ng Devi ng Hindu at ng babaeng Bodhisattva ng Budismo, si Venus ni Botticelli at si Urduja ni Amorsolo, pati si Hilda ni Duane Bryers at maski lahat ng Disney Princess concept art. 

Sasabihin ko, "Kitams? Ganda nilang lahat, 'no? Kapag wala yung mga text na nagsasabing, tignan mo si Pocahontas o Tiana, gumamit ng glutathione para pumuti; tignan mo si Hilda o si Venus, dati hindi maganda dahil 'di sila payat kaya nagpa-Marie Claire; tignan mo 'tong mga fertility idols na lawlaw ang boobs kaya nagpa-Belo... kapag wala 'yan, nakikita mo kung gaano talaga sila ka-perpekto, ka-epitome ng 'feminine beauty' nung panahon nila. Pero anyare? Biglang overweight at unhealthy na, masyadong payat at biglang anorexic o bulimic agad, biglang masyadong maitim, masyadong maputi, masyadong nerdy, 'di gaano ka adorkable. Sasabihin na kulang ka ng something pero kapag meron ka na wala ang iba mas bibigyang diin parin ang kulang. Pakinggan niyo lang yung UDD song na 'Kulang' din ang pamagat. Nakikinig pa ba kayo sa UDD?"

Tapos yung activity, kunwari ikaw yung gumawa ng artwork tapos ipopost mo sa Facebook, Instagram, Tumblr, whatever. Ano yung mga hashtag na ilalagay mo? Bakit? Wala lang. Haha joke. Ano ang kwentong gustong sabihin ng hashtag mo versus ang dating ng gawa mo sa iba? Ano ang kwento ng mga katawan versus ang mga kwento na pinapatong dito ng iba?

Malay ko ba kung ano yung lesson na tinatalakay ko rito. Aesthetics? Classical art? Self-perception? Ay, basta. Huwag niyo munang i-abolish ang art program habang 'di pa ako grumagradweyt. Hehe.